Lahat ng tao sa mundong ibabaw ay may mga karanasang hindi makakalimutan. Mga karanasang nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Habang tumatakbo ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng marka sa ating buhay. Minsan, ito ay masaya at minsan ay malungkot. Ano nga ba ang karanasang hindi natin malilimutan. Ako marami at hindi ko maaaring maisulat ang lahat dito sa dami ng karanasan ko. Minsan naaalala ko ang mga iyon at sa paglipasn ng mga araw ang mga masasakit na karanasang iyon ay tinatawan ko nalang . Ganito tala ang buhay ng tao, lahat ng masakit na pangyayari sa iyong buhay ngayon, bukas tatawanan mo na lang. At ngayon ay nais kung ibahagi ang aking kwento sa inyo at sana ay mayroon kayong mapulot na aral na dito.
Lumaki ako sa simpleng pamilya. Masaya kami kahit mahirap lang ang buhay namin. Ang ama ko ay isang Carpintero lamang at ang ina ko naman ay nasa bahay lang. Lagi kaming masaya at nagkukulitan araw- araw. Paggising namin sa umaga ay abala na ang aming ina sa paghahanda ng pagkain at sabay- sabay kaming kakain ng agahan. Lumipas ang ilang taon na laging masaya ang aming pamilya. Ngunit ang di ko inaasahan ay darating pala ang araw ng mga ngiti sa aming mga labi ay mapapalitan ng lungkot at sakit at ang masaya naming tahanan ay magiging isang ala-ala na lamang.
Limang taon ako ay ng magkaraoon ng hindi pagkakaunawaan ang aking magulang. Umalis ang aming ama at naiwan kami sa aming ina . Masakit , masakit ang mawalan ng isang ama. Masakit isipin na ipinagpalit kami sa ibang pamilya.
Napakahirap mamuhay ng nagiisa lng ang gumagabay sa amin. Sa ngayon labing pitong taon na ko napatawad ko narin ang aking Ama ko. At ayon nabuo ulit ang aming pamilya at masaya na ulit kami. Kaya sa ngayon pagsisikapan ko na makapagtapos ng pagaaral para masukliaan ko ang paghihirap ng aking Ina at Ama. Ang tanging dalangin ko lang na sana sa pagdating ng araw ay hindi mauulit ang karansan kung iyon sa aking pamilya balang araw.









